RE-ARRANGED TWEETS
(HAYAAN N'YO LANG MUNA SANA AKONG ILABAS ANG AKING SALOOBIN, PARA WALA AKONG MABIGAT NA DALAHIN. HUWAG N'YO NA LANG AKONG MASYADONG PANSININ, ANG PAGDADRAMA KONG ITO AY LONG OVERDUE NA.)
Noong una sabi ko sa sarili ko, masaya pala sa ALDUBNation, tila isang pamilyang lahat ng miyembro ay isinasabuhay ang mga mabubuting katuruan at aral mula sa KalyeSerye... may pagkakaisa, malawak na pang-unawa at katapatan ang lahat. Napatunayan na natin ito, mga ilang buwan na rin ang nakalilipas kabi-kabilang batikos at intriga na nga ang ating pinagdaanan (diba?)... kung inyong matatandaan, noong una'y sa labas nanggagaling ang mga bagong isyu kada linggo na sama-sama nating hinarap at napagtagumpayan :) nakakatuwa noon dahil tuwing may maliit o malaki tayong achievement ay sama-sama tayong nagdiriwang! Subalit hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang minsa'y wala na sa lugar na pagigingoverprotective (at OA) ang ibang miyembro ng ALDUBNation na s'yang dahilan kung bakit nitong mga nagdaang araw ay sa loob na mismo nagmumula ang mga isyu... kampihan na dahil nga sa mga isyung naglalabasan, kesyo pinapaaasa lang daw ni ALDEN si MAINE, Kawawa naman si Meng, UMALIS si Den, bakit di nagpaalam eh responsibilidad nya yun bilang boyfriend (?) Dahil wala si Den kay *bleep* na lang natin s'ya i-match (teka, hindi ba pambubugaw yang ginagawa nyo?)-- blah...blah... blah... at ang pinakanakakasawa sa lahat, ay yung pambabash sa kung sinumang madikit o makasama sa litrato o di kaya naman ay mabanggit sa video ng mga idolo, lalo na kay ALDEN, kung bakit ba naman kasi hukay ng hukay, stalk ng stalk... tapos bandang huli masasaktan, parang kumukuha ng martilyong paulit-ulit ipupukpok sa ulo. BABALA: Kung mahina ang puso mo, at gusto mong sa kalyeserye lang umikot ang mundo nila Meng at Den huwag mong subukan magkalkal o maghukay lalo na kung ugali mong mag Jump into conclusions, masasaktan ka kahit hindi naman talaga dapat na masaktan pero kung matapang ka, malawak ang pang-unawa at bukas ang isipan mo, sige sumilip ka! Bakit? Kasi makikita at mapapatunayan mo doon kung sino ang totoong natuto mula sa mga aral ng KalyeSerye.
(POV) Tulad ninyo ay nalungkot din ako dahil wala sa KalyeSerye si Alden, pero hindi ko ibubunton ang sisi sa kanya... Nais ko lang ipaalala sa inyo, mga kapatid, na hindi n'ya kasalanang maging "pinaka in-demand na artista" sa mga panahong ito. Hindi n'ya kasalanan naniniwala ako. Ang management na naghahawak sa kanya ang ang nag-aayos ng commitments at projects n'ya, sigurado ako doon; walang kasalanan si Alden, trabaho lang ang ginagawa n'ya, bukod doon ay nais n'yang makapaghatid ng ligaya para sa lahat at maitaguyod ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng hindi pagtanggi sa mga provincial commitments, dahil para sa kanya Pagpapala yun mula sa Nasa Itaas; subalit sa kabila ng kanyang pagsusumikap, nakakalungkot isipin na mismong mga taong naglagay sa kanya sa pedestal ang tila ba sisira sa kanilang pangalan/imahe at hihila din sa kanya o sa kanila pababa... Oo naguluhan ako, nanlumo din, pero dahil di ko nais sumabay sa agos, mas pinili kong magpatuloy (*kanta ng "on my own"* at deadmahin na lang ang Nega), bilang artista din-- sa Teatro dati, yun naman talaga ang forte ko... ang magpanggap na masaya kahit pa tila dahan-dahan mong nakikitang bumabagsak ang pundasyon ng "nasyon" na ito. Ang umakto na okay lang ang lahat, kahit nalulungkot kang tunay dahil sa kagagawan ng iba... Kunwari hindi ako apektado, kunwari di ako nasasaktan, at kunwari ay wala pa ring pagsilidan ang aking kaligayahan... (KUNWARI) Dahil bilang tagabantay at tagapagpakalat ng Good Vibes sa FANDOM na ito... tingin ko ay tungkulin kong maging tagapagmasid, at magtanggol paminsan-minsan... sa positibong pamamaraan, sa abot ng aking makakaya at magpumilit na maging matatag, dahil alam mong sayo na rin lamang kukuha ng lakas ang ibang pinanghihinaan na ng loob.
Paalala mga mahal kong ALDUBNation/ ALDUBarkads, please do not let your emotions cloud your judgment, huwag impulsive para hindi makasakit at kagaya nga ng pangaral ni Lola Nidora, huwag masyadong POSESSIVE, sa totoo lang naloloka na rin ako minsan sa ugaling ipinapakita natin towards other people... 😥(*sigh*) kung si MAINE nga mismo hindi nagrereact dahil gusto nya make love lang at walang war; gets ko kayo at gaya ninyo gusto ko din protektahan si Meng maging si Alden at ang mga puso nila (dahil umiiral din naman ang ate instincts ko sa kanila) pero hindi sana sa ganitong paraan na kailangan idaan sa masasamang palitan ng mga salita... dahil guys, lumayas muna tayo sa mundo ng pantasya ano po? REALITY CHECK: at the End of The Day, AKTINGAN pa rin ang Lahat, at tanging si "tamang panahon" lang ang makakapagdecide kung mauuwi ba sa totohanan ang ALDUB at magiging MAIDEN na forever, Huwag sana nating kalimutan ang mga ARAL NA NATUTUNAN NATIN SA KALYESERYE, huwag sana nating kalimutan na higit sa kilig, mas mahalagang maisaisip, maisapuso at maisabuhay natin ang mga ito, TANDAAN NATIN NA KAYA MAY AWARD TAYO MULA SA CBCP AY DAHIL IBINABAHAGI NATIN SA SOCIAL MEDIA ANG GOOD VALUES AT INSPIRATION MULA SA KALYESERYE... Kaya heto ang chewibol 💊 para sa lahat ng na-BV, chill lang tayo guys para sa ikabubuti ng lahat, at para na rin hindi tayo mastress at magkawrinkles.
Nailabas ko na ang hinaing ko, at umaasa akong tulad ng gutom ko kanina ay lilipas din ito... Dalangin ko'y huwag sanang tuluyang mawala ang "esprit de corps" ng fandom na ito.
Okay happy na ko ulit! (*BIPOLAR MODE ON*)
TULOY ANG LIFE, TULOY ANG FOREVER! :)
ALDUB You All!
-@AldubPolilloQ
P.S. Sino nga ba sa atin dito ang nakakasigurong hindi nga talaga nagpaalam si Alden kahit in private man lamang? Wala diba? So please wag n'yo na lang sanang i-spark ang duda sa isipan ng mga kapwa fans. Ika nga ay TIWALA LANG, ano po? 😀✌
P.P.S. Hindi magsasalita yang dalawa, pero alam ko hindi sila matutuwa sakaling malaman nila na may ganitong kaguluhan.
No comments:
Post a Comment