Holiday naman ngayon: August 27, 2012, naisipan kong palipasin ang
nakaraang gabi dito sa ating bahay paaralan at dahil diyan ito na po ang
pagpapatuloy ng aking akda.just in case di niyo pa po napapanood
paki-click na lng yung link:http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=Kjm5Mv7z_zA
“Kaninong Anino?” (Whose Shadow?)
from the RockEd: Rock Rizal Album
Composed by Gang Badoy. Animation by Arnold Arre.
From Rock Ed Philippines and the National Historical Commission of the Philippines.
—-
May digmaan sa gitna ng amihan
Ang kalaban ay kahirapan
May digmaan sa gitna ng habagat
Ang tanda ay taong hindi makaangat
Ang paraan, ang sino, ang ano, Ang sala nakanino? Sa akin? Sa iyo?
Ang kalaban lang ba natin ay anino? Ang kalaban lang ba natin ay anino?
(Anino nino?) Nila? Natin? Ninyo? Kaninong anino? (Kanino?)Isang daan at
limampung taon Sa isang punto lang nagkasundo Na tayo pa rin daw ay
mahirap Kapos daw ang gintoAng paraan, ang sino, ang ano,Sagot ay
nakanino? Sa akin? Sa iyo? Isang natutunan ko Sa Ilaw lang matatalo ang
anino Ilawan, ilawan ang anino.. Humarap sa ilaw, Pilipino!
Mahigit isang daang taon na ang nakalipas mula noong
unang nagkaisa para makipaglaban hanggang sa kahulihulihang patak ng
dugo, sa pamamagitan ng pagpunit sa kanilang mga cedula na pinangunahan
ni Bonifacio at sumigaw ng "MABUHAY ANG FILIPINAS", ang napakarami
nating kababayang Pilipino sa Pugad Lawin (bago pa ang Edsa People Power), at sumiklab ang rebolusyong 1896 na kilala bilang "tagalog war"...Maraming
taon na rin ang nakalipas matapos iwagayway ni Emilio Aguinaldo ang
pambansang watawat sa balkon ng kanyang tahanan upang ideklara ang
Kalayaan ng Pilipinas noong 1898... Kalayaang nakamit natin dahil
sinubukang pangarapin ng ating mga dakilang bayani na ang mga indio man
ay maaari ding makalaya, kalayaang tinamasa natin taas noo at buong
tapang na nakipaglaban ang mga dakilang Pilipino ng ating kasaysayan...
taglay ang matibay na pananampalataya sa Dakilang Lumikha, ang alab ng
pusong buhay sa kanilang mga dibdib, at ang pagtitiwala sa kanilang
sariling kakayahan; hawak ang iba't-ibang sandata katulad ng pluma,
bolo, baril at marami pang iba, sa pag-asang ang kasarinlang nakamtan
dahil sa dugo, lakas, dunong at buhay ay ganap at tunay, at lubos na
pakikinabangan at pasasalamatan ng kanilang mga anak, inapo at ng mga
susunod pang henerasyon... subalit, nasaan na nga ba tayo? tuluyan na ba
tayong nakalaya sa pang-aalipin ng mga dayuhan? Nalunasan nga ba ang
kanser ng lipunang unti-unting nagpahina, sumira at halos pumatay sa
ating bayan noong nakaraang panahon? Kapirasong bahagi na lamang ba ng
makabuluhan at makulay na kasaysayan ng ating inang bayan ang makabayang
adhika ng puso't diwa at damdamin na ipinaglaban ng ating mga dakilang
bayaning tumayo bilang mga tunay na Pilipino?Sa isang linya mula sa
awiting "Kaninong Anino" (na may music video kung saan si Rizal ay
ipinapakitang tila nabuhay sa makabagong panahon at nagbibigay ng
kanyang opinyon sa kasalukuyang estado ng ating bayan) ay sinasabi ng
ganito: "Bagama’t marami na ang nag-alay... ng dugo, landas at dunong... ang bayan daw hanggang ngayon ay naliligaw at nalilito."
Ang ibig bang ipahiwatig ng sumulat sa bahaging ito ay: Nauwi sa wala
ang pagsasakripisyo ng ating mga dakilang bayani para makamtan ang
kalayaang inaasam, dahil hindi pa pala talaga tuluyang nakakalaya ang
mga mamamayan ng Pilipinas, dahil tayo bilang isang bansa ay naliligaw
at nagkakaroon ng maraming kalituhan, at tila marami tayong mga
kababayan na hanggang ngayon ay tau-tauhan na hawak sa leeg ng (mga)
aninong hindi malaman kung ano, sino at saan nanggaling.
Sa puntong ito ay nais ko namang hiramin ang sinabi ng ating Gat. Dr.
Jose Rizal sa pag-aalay ng kanyang nobelang "Noli Me Tangere"...
"Natatala sa kasaysayan ng mga sakit ng sangkatauhan ang isang kanser na
sa kaselanan ay namamaga bahagyang masaling kasabay nang matinding
pangingirot. Dahilan dito'y di mamakailang sa gitna ng makabagong
kabihasnan ay inibig kong kita'y gunitain, naroong nasaing makasama ako
sa iyong mga alaala, naroong ipakitulad kita sa mga ibang bansa, at sa
bawat pagkakataong yao'y napapakita sa akin ang iyong mahal na imahe na
may taglay na isang kanser na panlipunang kagaya ng naturan na...
Sa kagustuhan kong magkaroon ka ng kagalingan na siyang kagalingan
din naming lahat, at sa paghahanap ng mailalapat na lalong mabisang
panlunas, ay gagawin ko sa iyo ang ginagawa ng mga tao noong unang
panahon sa mga maysakit: itatanghal sila sa mga baitang ng templo, upang
bawa't taong magsadya roon at mananalangin sa Diyos, ay makapaghatol ng
isang kagamutan...At sa ganitong layon, ay pagsisikapan kong mailarawan
ang iyong kalagayan ng buong katapatan at walang pangingimi, itataas ko
ang isang bahagi, ang laylayan ng belo na kumakanlong sa kasamaan,
iwawaksi ang lahat alang-alang sa katotohanan, maging ang pag-ibig sa
sarili, sapagka't ako ay anak mo, ako man ay nagtataglay rin ng iyong
mga kapintasan at kahinaan..."
Ayaw kong sabihing hindi naman nakamtan ng ating bayan ang kalayaang
minimithi nating lahat, dahil nakakaranas naman tayo ng kakarampot na
kalayaan,
At dahil nais kong makitang magkaroon ng ganap na kalayaan ang
bansang naging kanlungan ko sa loob ng napakaraming taon, upang sa gayon
ay tuluyan din akong makalaya mula sa pagiging inferior at insecure, ay
sisikapin ko ring ipakita sa kapwa kong makababasa nito ang mga
dahilang siguro'y nakita na ninyo at kasalukuyang pinagpaplanuhan pa ang
gagawing hakbang o inaaksyunan na o nakikita na ninyo subalit pinili
n'yo na lamang na huwag intindihin o hindi n'yo pa nakikita dahil ayaw
ninyong tumingin... sa ngalan ng katotohanan ay pagsisikapan kong
mailarawan ang maraming bagay ng buong katapatan at walang
pag-aalinlangan... Babasagin ko na ang matagal kong pananahimik,
iwawaksi maging ang pag-ibig sa sarili, aalisin ang pansariling interes
na nagtutulak sa ilang pilit kumakapit sa kung sino ang "nasa
kapangyarihan" upang makuha ang ninanais kahit pa nga sa di mabuting
pamamaraan...
sa aking pananaw ay parang nawawalan na ng saysay ang mga
pinaghirapan ng mga mabunying bayani ng ating lahi dahil sa nakikita
kong kasalukuyang kalagayan ng ating bayan.
hindi pa nga pala lubusang malaya ang Pilipinas, hindi pa...
May digmaan sa gitna ng amihan
Ang kalaban ay kahirapan
May digmaan sa gitna ng habagat
Ang tanda’y taong hindi makaangat
Hindi pa nga talaga nakakalaya ang ating bansa dahil ang ating inang
bayan ay patuloy na nakikipagbuno sa problema ng kahirapan, kamangmangan
at marami pang iba... sa palagay ko'y dahil marami sa atin ang di man
lamang naglaan ng oras para bigyang solusyon ang mga suliraning nakita
ng ating mga dakilang bayani -mga walang pakialam sa mga nagaganap sa
bansang naging kanlungan n'ya at ng kanyang mga ninuno- at tila ba
tuluyan nang nilimot ang kanilang ginawa para sa kasarinlan ng ating
lupang sinilangan. Hindi pa nga siguro tuluyang malaya ang mga
Pilipino... bagama't natamo na natin ang kasarinlan ng ating bayang
PILIPINAS mula sa mga dayuhang mananakop, hindi naman lumaya ang isipan
ng maraming mamamayang Pilipino sa kaisipang kolonyal na ating nakuha at
patuloy pang nakukuha mula sa mga dayuhang mananakop kaya naman halos
hindi na namulatan at pinagtuunan ng pansin ng maraming kabataan ang
maganda at mayamang kultura ng ating inang bayan bago pa tayo alipinin
ng mga banyaga... tila nawala na ang damdaming makabayan ng maraming mga
Pilipino, marami tayong kababayan na ikinakahiya ang kanilang
pagka-PILIPINO, na handang kalimutan, itatwa at ikahiya ang kanilang
bayang sinilangan maging ang kanilang kulay, para lamang magkaroon ng
ibang nasyonalidad. Hindi pa tuluyang nakakamit ng mga Pilipino ang
kalayaan... dahil binabalewala ng marami sa atin ang ating mga kakayahan
at angking talento, masyadong mababa ang tingin natin sa ating mga
sarili maging sa ating kapwa Pilipino kaya naman imbes na matuwa tayo sa
tagumpay ng iba ay pilit nating hinihila pababa ang ating kapwa,dahil
dito, maraming taong hindi makaangat sa gitna ng habagat at bihag na rin
tayo ng kaisipang dito sa atin, kapag mayaman at edukado lalo pang
yayaman at kapag mahirap at di nakapag-aral ay habambuhay nang mangmang,
kaya naman maraming Pilipino ang Alipin pa rin...Naalala ko tuloy ang
tinuran ni Dr. Rizal kay "Aanhin pa ang kalayaan kung ang inaaalipin
ngayon ay siya rin namang mang-aalipin balang-araw.", Kapag nga naman
ang isang promding Juan dela Cruz ay pumunta dito sa kabayanan upang
maghanap ng trabaho hindi ba't kapwa din ang kanyang nagiging amo, at
maraming mayaman na dahil nga KATULONG ang pinasukang trabaho ng promdi
ay inaalila, binubugbog, itinuturing na hayop imbes ituring na
kasambahay o kapamilya ang mga naninilbihan sa kanila... Kapag naman
nagsawa na sa kahirapan dito sa atin ay nangingibang bansa si Juan dela
Cruz ay nagtatrabaho para sa mga banyaga upang may maitustos sa
pangangailangan ng pamilya, at kapag ang mga banyaga naman ang nakaisip
pumunta dito sa atin imbes na ang kaawa-awang si Juan dela Cruz ang
maging "Boss" siya ay madalas na nagiging alipinin at sunud-sunuran pa
rin sa mga dayuhan... Lagi na lang tayong alipin, nakakasawa na! Mabuti
na lamang at kahit papaano'y mayroon pa ring mga among may mabuting
kalooban.Dahil na rin sa mga pangsariling interes ng mga
makapangyarihang dayuhan na itinuring na mababang uri ang hindi nila
kakulay... tayo'y kanilang napapaniwala na sila ang ating dapat tularan
upang maging katanggaptanggap tayo sa buong mundo at masabing
sibilisado, kaya naman kay daming nagpapaputi at nagpaparetoke ng kung
anu-ano na para bang hindi na nakuntento sa kung ano ang ipinagkaloob sa
kanila ng dakilang lumikha... dahil dito'y tila dahan-dahan...
paunti-unting nawawala ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Itutuloy...
Soli DEO Gloria
sgd.kgramos
Monday, September 3, 2012
Kaninong Anino? Mga Sentimiyento, Katanungan at iba pa.
paki-click po yung link: http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=Kjm5Mv7z_zA
Ilang araw na akong nabubugnot at walang ibang naging kaibigan kundi ang aking netbook at siyempre pa walang iba kundi ang internet... PAMPALIPAS ORAS, panandaliang PAMPALIMOT sa iba't ibang aspeto ng buhay na mayroong hindi pa nasusulusyonang MGA SULIRANIN, pansamantalang sa galit na nararamdaman ng aking kalooban, laban sa mga nakababalisang gawi ng ilan nating mga kasama na tila lihis at totoong nakababastos sa Doktrina, Saligang Batas at mismong sumasaksak din sa likod ng ating Kgg. CCIC, ay nakapagdulot sa akin ng ALALAHANIN dahil minsan pa'y nagkaroon na naman ng balakid sa landas na-sa kasalukuyan, dahil sa awa't tulong ng ating Dakilang Lumikha at sa matiyagang pagtuturo at pagtutuwid ng ating Kgg. na tagapagtaguyod upang tayo'y maging mabuting tagasunod at sundalo ng Diyos, na tunay na NAGKUKRUSADA- ang daang ito na sa pamamagitan man ng ibang pamamaraan ay NAKAYANANG TAHAKIN at PAGTAGUMPAYAN ng ilan nating mga magulang at kapatid noong una; ngayon, ang daang ito tungo sa katuparan ng ating dakilang layunin ng ating samahan ay NASIMULAN nang TAHAKIN sa pamamagitan ng doktrina na nagsisilbing gabay natin sa ating pang-araw-araw na paglalakbay at siyang ilawan natin sa tuwing sasapit ang dilim at haharap tayo sa mga pagsubok ng buhay... Pinipilit kong magliwaliw at magsaya, dahil alam kong dahan-dahan ay kinakain na ng panghihinayang at matinding panlulumo ang aking kalooban.
Ilang gabi na rin akong walang tulog, suwerte na nga lang ako nung minsan at nakatulog ako ng maayos at saktong walong oras... pagkatapos, halos apat na oras na lang ang tulog ko sa isang araw dahil bigla akong nagigising sa hatinggabi/madaling araw, at nahihirapan akong bawiin yung antok na nawala; hanggang sa dumating yung panahong kahit anong pilit kong matulog ay walang nangyayari, at mapansin kong matagal na pala akong nakatitig sa kisame... sa kawalan... sa gitna ng madilim na gabi. Alam kong gising ang diwa ko, may iniisip ako at pilit kong iniintindi kung ano ang nasa likod ng panaginip na iyon, hanggang sa umusbong sa aking puso ang matinding pagkatakot, ang pag-aalala tungkol sa aninong nakita ko sa panaginip na iyon. Pakiramdam ko'y natuyo na ng tuluyan ang aking utak, masyado na yatang napagod dahil sa pag-iisip ng at pag-aalala sa mga bagay na tila hindi abot ng aking kaalaman.
Oo nga pala, nakalimutan kong banggitin sa inyo na nandito po ako ngayon sa ating bahay paaralan, kasama ang ilan sa aking mga kapwa kabataan... ang KISLAP (Kabataang Iisa Sa Layunin At Pagkilos), upang mag-ensayo para sa dula at mga awiting aming ihahandog sa kaarawan ng ating Gat. Dr. Jose Rizal... pagkatapos ng ilang oras ng dibdibang (dibdiban nga ba?) pag-aaral ng kanta at kung ilang ulit na pag-awit upang makuha ang 2nd voice at blending na babagay sa kanta, habang nagpapahinga ay nakaramdam na naman ako ng pagkalumbay, alam kong kailangang-kailangan ko ng inspirasyon subalit hindi ko alam kung saan ko ito hahanapin at makukuha, labis na akong naguluhan kaya naisipan kong MATULOG na lang. Hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na nangyari, hindi ko na rin namalayan kung papaano nagsimula... Sino bang nagsabing ang paggugol ng oras sa pag-iinternet ay aksaya lamang ng panahon, sa tingin ko'y hindi naman siguro palagi lalo na't kung makakatuklas ka ng bagay na may halaga at karapat-dapat namang ibahagi. Pagdaan ng maraming oras, basta napansin ko na lang lumipas ang 3 oras na wala akong ibang naibigang gawin kundi ang maghanap ng mga artikulo, video at awiting tungkol kay Dr. Rizal, mula sa mga interviews kay Ambeth Ocampo, sa blog na "INDIO:BRAVO" ng isang Pilipinong manunulat sa kasaysayan, ang "Si Rizal at ang Pambansang Kalayaan" sa pluma at papel ni Rogelio OrdoƱez hanggang sa video ng "PLUMA" na ibinahagi ng ating Kasamang kgg. Jose Manlapas sa munting ilawan, hanggang sa makita ko ang Music Video ng "Kaninong Anino" na ginawa ni Arnold Arre at isinulat ni Gang Badoy para sa Album na Rock Ed, Rock Rizal, ang bida'y walang iba kundi ang ating Pambansang Bayani, hindi bilang isang manlalakbay na hinubog ng maraming karanasan, o martir na lumaban para sa kalayaan ng ating inang bayan, o magaling na manunulat at kagalanggalang na doktor, hindi rin bilang alagad ng sining o bilang isang "ladies' man"... Kundi bilang pangkaraniwang Pilipino na malayang naglilibot sa isang madilim, at mapanglaw na sulok ng mundo at pilit na tumatanaw sa BAKAS NG KAHAPON... sa ANINO NG ISANG SIYUDAD; sa kanyang paglalakad bilang isang simpleng mamamayan, tulad ng marami sa atin na saksi at sumasaksi sa pagkawasak ng ating bayan ay makikita ang mga nalabing bahagi ng nasirang siyudad ng MAYNILA na kahit tila dinaanan ng matinding delubyo at dumanas ng kalunos-lunos na trahedya ay nakapagtatakang puro bantayog na lamang ng mga dakilang bayani, bagama't bahagyang nasira ay nananatili pa ring nakatayo, ang tanging natira, marahil ay ipinapaalala na bagama't marami na ang lumimot sa kanila, ay mananatili namang buhay ang mga pamanang kanilang iniwan... Ipinahihiwatig ng Video na ito kung ano kaya ang mararamdaman ng ating pambansang bayani kapag nakita niya ang kinahinatnan ng Inang Bayang lubos niyang minahal.
Ano nga kaya ang mangyayari? Paano kaya kung nabuhay nga si Dr. Rizal at ang iba pang mabunying bayaning nag-alay ng buhay para sa kanilang Lupang Tinubuan? Ay! Hindi ko rin maiwasang isipin kung anong reaksyon nga ba ang guguhit sa kanilang mga mukha sa kasalukuyang kalagayan ng bayang kanilang tinatangi, na matapos na magkamit nga ng kalayaan mula sa mga mananakop na Kastila may 114 taon na ang nakalilipas, ay muli na namang humaharap sa mga suliraning panlipunan na sa hindi ko na malamang pagkakataon, ay paulit-ulit nang dinanas at kinaharap ng ating mga katutubong ninuno, at maging ng mga nakaraang henerasyon... tila baga hindi naman tayo ganap na nakalaya mula sa kaalipinan... Naisipan ko tuloy sumulat tutal ay napapanahon naman siguro at tsaka nasa mood akong magsulat, Sabi ko sa sarili ko pag natapos ko ito ipopost ko sa MUNTING ILAWAN.
(Bago po ako magpatuloy nais ko pong pag-ukulan niyo ng panahong tingnan ang video na ito: http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=Kjm5Mv7z_zA kung hindi n'yo pa po nagagawa yung pakiusap ko sa itaas at pakinggang mabuti ang kantang kasama nito, upang lubusan po ninyong masundan at maunawaan ang aking mga sinasabi.)
Hayaan po ninyong ipagpatuloy ko ang pagbabahagi sa inyo ng isang journal/blog entry na aking ginawa simula noong June 12, taong kasalukuyan; bilang pakikiisa sa ika-114 taong pagdiriwang ng araw ng kalayaan, pagbibigay pugay sa mga bayaning tunay na lumaban para makamit ito at paggunita sa ika-151 kaarawan ng ating Dakilang Bayaning Gat. Dr. Jose Rizal, na siyang gumising sa kamalayan at diwang makabansa ng marami nating mabubunyi at magigiting na kababayan...

Kaninong Anino? Paunang Salita
sila NOSTRADAMUS, ADA VICTORIA, Die Wahrsagerin, MADAM AURING (?)
ano ba ang pagkakatulad ng mga nabanggit sa itaas?
Parepareho silang manghuhula- mga fortune teller kung tawagin...
sina JEREMIAH, EZEKIEL, ISAIAH, ELIJAH, JESUS CHRIST
naman ay...
Pareparehong prophets o propeta na isinugo ng Dakilang Lumikha upang palaganapin ang kanyang mensahe sa buong mundo at maging gabay na may karismatikong panghila tulad ng panghuhula ng mangyayari sa hinaharap, panggagamot, katalinuhan, at galing sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.
Kung ating iisipin, marami na ang humula at naging mga hula tungkol sa iba't ibang bagay... may hula sa buhay pag-ibig, pagnenegosyo, pag-papamilya, pag-aaral, buhay sa hinaharap, buhay sa kabilang buhay atbp., at ilan sa mga ito ay natupad, subalit mayroon din namang hindi, sabi nila ang mga hula daw ay nagsisilbing babala o paalala lamang para sa atin subalit nasasa atin pa rin kung papayagan o pipigilan nating maganap ang mga bagay na ito pagdating ng araw...
Subalit ibahin n'yo ang ating BIDA,dahil halos lahat ng kanyang mga pangitain (lalo na yung mga panaginip) ay natupad na... gusto ninyo ng patunay?
Sige, ibabahagi ko sa inyo ang isa...
Enero 1, 1883
Noong kamakalawang gabi, iyon ay Disyembre 30, nagkaroon ako ng nakakatakot na panaginip- na muntik na akong mamatay. Nanaginip ako na, ginagaya ang isang aktor na naghihingalo sa Entablado, naramdaman kong bumabagal ang aking paghinga at mabilis ang aking panghihina. Pagkatapos ay nagdilim ang aking paningin at nilukob ako ng kadiliman - ito ang kamatayan.
Iniisip n'yo ba kung sino ang may akda nito?
Aba! Edi walang iba kundi ang ating Gat. Dr. Jose Rizal at ang pangitaing ito na kanyang napanaginipan eksaktong labing-apat na taon bago siya barilin sa Bagumbayan ay kanyang isinulat sa kanyang talaarawan.
Maraming nagsasabing ang ating pambansang bayaning si Gat. Dr. Jose Rizal ay isang propeta, manghuhula, clairvoyant... sabagay hindi naman sabi-sabi lang ang pambihirang "gift" na ito na taglay niya, maraming pagsasaliksik at kasulatan ang nagsasaad ng mga pangyayari sa kanyang maiksi ngunit makabuluhang buhay na kung saan ay naipamalas ang abilidad niyang ito... na siyang dahilan kung bakit maging ako ay may matibay na paniniwala na si Dr. Rizal ay isa ngang propeta... pero hindi dahil matibay ang aking paniniwala ay may karapatan na akong magtatakbo at ipagsigawang "Grabe! Kahanga-hanga talaga si Rizal, akalain mong kaya niyang makita ang hinaharap." Hindi ko maaaring ipagsigawan yun dahil sa labas ng mga pader ng bahay paaralan ng CUFI, sa mundo at panahong ginagalawan ko ngayon ay hindi maipagkakailang bagama't marami ang humahanga kay Rizal, ay marami rin namang nayayamot sa kanya... marahil ay sa maling pagpapakilala ng mga propesor na umaastang kilalalang-kilala nila si Rizal subalit hindi naman, o maling pag-unawa sa buhay, prinsipyo at mga nagawa niya o di kaya naman ay dahil sa marami ngayon ang apathetic, naaalala ko tuloy nung minsan, nag-post ako ng status sa Facebook at pagkatapos ay bumili ako ng "Rizal Shirt"... aba akalain mo ba namang kadarating ko pa lang sa Unibersidad ay binati na ako ng aking mga "kaibigan" ng: "Good morning, girlfriend ni Rizal!" lumingon ako sa likod at pinagtawanan nila ako at nung minsan namang napunta kami sa national bookstore ay nakita nung kasama ko yung bagong edition ng "Rizal without the Overcoat" ay kinuhit niya ako at sinabing "KR, KR boypren mo o!" di ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto, subalit sa tuwing magbibigay ako ng opinion tungkol sa Patriotism, Environmental Awareness, Self Development, Sacrificing something important for the Greater Good o kahit ano pa, ay wala na akong inaning papuri kundi: "Ang galing talagang magsalita nung NERD." o "WALANG KUWENTA tong teacher na 'to yung NERD na naman yung tinawag!" o "oy! yung WEIRD, LECHE!"... sa mundong ginagalawan ko ngayon weird o nerd ka kapag hindi ka IN, kapag iba ang ideas mo kesa sa kanila, kapag ayaw mo yung ginagawa nila, kapag OPEN kang makipag-usap tungkol sa bagay na may kinalaman sa relihiyon at nasasabi mo ang mga kuwestiyonableng konsepto na mayroon ang Katolisismo, kapag ang ginagamit mong pamantayan sa bawat pagdedesisyon ay ang mga bagay na hindi mo naman natutunan sa eskuwelahan... nais ko sanang ang lahat ay magkaroon ng interes kay Rizal hindi lamang dahil siya ay isang bayani, kundi dahil siya ay isang mabuting huwaran na dapat tularan ng lahat, kaya naman sa abot ng aking makakaya, ay tumutulong ako sa pagpapaunawa sa tunay na katauhan, magagandang prinsipyo, at kahulugan ng mga akda ni Gat. Dr. Jose Rizal... Upang sa ganoon kahit sa maliit na paraan ay may maiambag naman ako, Pabababawin ko na lamang pagpapaliwanag tungkol kay Propeta Jose Rizal, bawasan natin ng mga hiwaga para naman makuha rin ng ating target audience ang ibig kong sabihin...
Kapag tinatanong ako ng mga Kolehiyalang kakilala at kaklase ko kung bakit sa palagay ko ay kailangan i-take ang course na Rizal ay ganito ang palagi kong isinasagot: "Kasi Rizal offered solutions to the problems of the society, and whether we like it or not, IN MY POINT OF VIEW THOSE SOLUTIONS ARE VERY MUCH AVAILABLE FOR US TO USE or APPLY and ARE STILL APPLICABLE AT PRESENT TIME aminin man natin o hindi, OUR GENERATION is EXPERIENCING the SAME PROBLEMS that RIZAL and HIS CONTEMPORARIES FACED (baka mas malala pa nga), more than a hundred years ago..." (ganyan ang aking isinasagot, subalit para sa akin ay implied sa mensaheng iyan na "NAHULAAN NI RIZAL YUNG MGA MAGIGING PROBLEMA at SOLUSYON... NASA ATIN NA YUN KUNG PAPAANO NATIN GAGAMITIN, at kung papaano NATIN PATUTUNAYAN NA NASA ATIN NGA ANG PAG-ASA NG BAYAN..." pasensiya na po kayo, hindi rin ako maaaring magsalita ng Filipino [o tagalog] kapag sumasagot ako dahil mga CONYO po ang aking pinakikisamahan baka masigawan na naman ako ng "What a WORD?!"...)
Subalit maraming tila hindi lang sinarado ang kanilang isip kundi maging puso pa para kay
Gat. Dr. Jose Rizal... Kaya ang reklamong paulit-ulit mong maririnig ay ganito: "OMG!!! I really can't understand why do we need to study Rizal, like duh!!! NURSING kaya tayo! ano namang kinalaman ni Rizal sa course natin diba? Aanhin ko naman si Rizal kapag nurse na ako" Na kung saan sasagutin naman ng isa out of pagkainis para matigil na, dahil nakakarindi na: "We need to Study Rizal because he's a Doctor and we're student nurses, GETS MO YUNG RELEVANCE?" at pakikisawsawan ko naman ng: "Kailangan nating pag-aralan si Rizal kasi taglay niya lahat ng CORE VALUES natin sa nursing- LOVE OF GOD, CARING AS THE CORE OF NURSING (compassion, competence, confidence, conscience, commitment), LOVE OF PEOPLE & LOVE OF COUNTRY... dahil baka sakaling kapag pinag-aralan natin ang buhay ni Rizal ay ma-inspire tayo sa kanya at maisipan nating pakitularan siya, so that we can be a good servant of GOD and a friend to man." Na sasagutin naman nung isa ng "Uy! pinagtatanggol ang Boyfriend!"
Kapag naaalala ko ang mga pagkakataong iyon... natatawa na lang ako, pero iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Dr. Rizal kung buhay siya ngayon at naririnig niya ang mga Usap-usapan o Diskusyon tungkol sa kanya? Matutuwa kaya siya o madidismaya kapag narinig niya kung paano siya ilarawan, pagkatuwaan o igalang ng mga professor?
Ang layunin ng akdang ito ay upang maipahayag ang aking mga obserbasyon, sariling opinyon at pakikipagpalitan ng kuro-kuro hinggil sa mga bagay-bagay lalo na yaong may kinalaman sa ating inang bayan, sa ating mga dakilang bayani, at sa ating samahan, upang sa gayon ay makibahagi ako sa "pagkaroon ng walang pagkatuyong batis ng isipan, adhikain at mga aral ng kagitingan, marangal na pag-uugali at mabuting gawa." (Guzman.Laksamana.Guzman, 1946)
Ang inyo pong mga comments, suggestions at corrections ay malugod kong tinatanggap. :)
Pagpalain nawa tayo ng ating Dakilang Lumikha!
sgd.
kramos

Subscribe to:
Posts (Atom)