Holiday naman ngayon: August 27, 2012, naisipan kong palipasin ang
nakaraang gabi dito sa ating bahay paaralan at dahil diyan ito na po ang
pagpapatuloy ng aking akda.just in case di niyo pa po napapanood
paki-click na lng yung link:http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=Kjm5Mv7z_zA
“Kaninong Anino?” (Whose Shadow?)
from the RockEd: Rock Rizal Album
Composed by Gang Badoy. Animation by Arnold Arre.
From Rock Ed Philippines and the National Historical Commission of the Philippines.
—-
May digmaan sa gitna ng amihan
Ang kalaban ay kahirapan
May digmaan sa gitna ng habagat
Ang tanda ay taong hindi makaangat
Ang paraan, ang sino, ang ano, Ang sala nakanino? Sa akin? Sa iyo?
Ang kalaban lang ba natin ay anino? Ang kalaban lang ba natin ay anino?
(Anino nino?) Nila? Natin? Ninyo? Kaninong anino? (Kanino?)Isang daan at
limampung taon Sa isang punto lang nagkasundo Na tayo pa rin daw ay
mahirap Kapos daw ang gintoAng paraan, ang sino, ang ano,Sagot ay
nakanino? Sa akin? Sa iyo? Isang natutunan ko Sa Ilaw lang matatalo ang
anino Ilawan, ilawan ang anino.. Humarap sa ilaw, Pilipino!
Mahigit isang daang taon na ang nakalipas mula noong
unang nagkaisa para makipaglaban hanggang sa kahulihulihang patak ng
dugo, sa pamamagitan ng pagpunit sa kanilang mga cedula na pinangunahan
ni Bonifacio at sumigaw ng "MABUHAY ANG FILIPINAS", ang napakarami
nating kababayang Pilipino sa Pugad Lawin (bago pa ang Edsa People Power), at sumiklab ang rebolusyong 1896 na kilala bilang "tagalog war"...Maraming
taon na rin ang nakalipas matapos iwagayway ni Emilio Aguinaldo ang
pambansang watawat sa balkon ng kanyang tahanan upang ideklara ang
Kalayaan ng Pilipinas noong 1898... Kalayaang nakamit natin dahil
sinubukang pangarapin ng ating mga dakilang bayani na ang mga indio man
ay maaari ding makalaya, kalayaang tinamasa natin taas noo at buong
tapang na nakipaglaban ang mga dakilang Pilipino ng ating kasaysayan...
taglay ang matibay na pananampalataya sa Dakilang Lumikha, ang alab ng
pusong buhay sa kanilang mga dibdib, at ang pagtitiwala sa kanilang
sariling kakayahan; hawak ang iba't-ibang sandata katulad ng pluma,
bolo, baril at marami pang iba, sa pag-asang ang kasarinlang nakamtan
dahil sa dugo, lakas, dunong at buhay ay ganap at tunay, at lubos na
pakikinabangan at pasasalamatan ng kanilang mga anak, inapo at ng mga
susunod pang henerasyon... subalit, nasaan na nga ba tayo? tuluyan na ba
tayong nakalaya sa pang-aalipin ng mga dayuhan? Nalunasan nga ba ang
kanser ng lipunang unti-unting nagpahina, sumira at halos pumatay sa
ating bayan noong nakaraang panahon? Kapirasong bahagi na lamang ba ng
makabuluhan at makulay na kasaysayan ng ating inang bayan ang makabayang
adhika ng puso't diwa at damdamin na ipinaglaban ng ating mga dakilang
bayaning tumayo bilang mga tunay na Pilipino?Sa isang linya mula sa
awiting "Kaninong Anino" (na may music video kung saan si Rizal ay
ipinapakitang tila nabuhay sa makabagong panahon at nagbibigay ng
kanyang opinyon sa kasalukuyang estado ng ating bayan) ay sinasabi ng
ganito: "Bagama’t marami na ang nag-alay... ng dugo, landas at dunong... ang bayan daw hanggang ngayon ay naliligaw at nalilito."
Ang ibig bang ipahiwatig ng sumulat sa bahaging ito ay: Nauwi sa wala
ang pagsasakripisyo ng ating mga dakilang bayani para makamtan ang
kalayaang inaasam, dahil hindi pa pala talaga tuluyang nakakalaya ang
mga mamamayan ng Pilipinas, dahil tayo bilang isang bansa ay naliligaw
at nagkakaroon ng maraming kalituhan, at tila marami tayong mga
kababayan na hanggang ngayon ay tau-tauhan na hawak sa leeg ng (mga)
aninong hindi malaman kung ano, sino at saan nanggaling.
Sa puntong ito ay nais ko namang hiramin ang sinabi ng ating Gat. Dr.
Jose Rizal sa pag-aalay ng kanyang nobelang "Noli Me Tangere"...
"Natatala sa kasaysayan ng mga sakit ng sangkatauhan ang isang kanser na
sa kaselanan ay namamaga bahagyang masaling kasabay nang matinding
pangingirot. Dahilan dito'y di mamakailang sa gitna ng makabagong
kabihasnan ay inibig kong kita'y gunitain, naroong nasaing makasama ako
sa iyong mga alaala, naroong ipakitulad kita sa mga ibang bansa, at sa
bawat pagkakataong yao'y napapakita sa akin ang iyong mahal na imahe na
may taglay na isang kanser na panlipunang kagaya ng naturan na...
Sa kagustuhan kong magkaroon ka ng kagalingan na siyang kagalingan
din naming lahat, at sa paghahanap ng mailalapat na lalong mabisang
panlunas, ay gagawin ko sa iyo ang ginagawa ng mga tao noong unang
panahon sa mga maysakit: itatanghal sila sa mga baitang ng templo, upang
bawa't taong magsadya roon at mananalangin sa Diyos, ay makapaghatol ng
isang kagamutan...At sa ganitong layon, ay pagsisikapan kong mailarawan
ang iyong kalagayan ng buong katapatan at walang pangingimi, itataas ko
ang isang bahagi, ang laylayan ng belo na kumakanlong sa kasamaan,
iwawaksi ang lahat alang-alang sa katotohanan, maging ang pag-ibig sa
sarili, sapagka't ako ay anak mo, ako man ay nagtataglay rin ng iyong
mga kapintasan at kahinaan..."
Ayaw kong sabihing hindi naman nakamtan ng ating bayan ang kalayaang
minimithi nating lahat, dahil nakakaranas naman tayo ng kakarampot na
kalayaan,
At dahil nais kong makitang magkaroon ng ganap na kalayaan ang
bansang naging kanlungan ko sa loob ng napakaraming taon, upang sa gayon
ay tuluyan din akong makalaya mula sa pagiging inferior at insecure, ay
sisikapin ko ring ipakita sa kapwa kong makababasa nito ang mga
dahilang siguro'y nakita na ninyo at kasalukuyang pinagpaplanuhan pa ang
gagawing hakbang o inaaksyunan na o nakikita na ninyo subalit pinili
n'yo na lamang na huwag intindihin o hindi n'yo pa nakikita dahil ayaw
ninyong tumingin... sa ngalan ng katotohanan ay pagsisikapan kong
mailarawan ang maraming bagay ng buong katapatan at walang
pag-aalinlangan... Babasagin ko na ang matagal kong pananahimik,
iwawaksi maging ang pag-ibig sa sarili, aalisin ang pansariling interes
na nagtutulak sa ilang pilit kumakapit sa kung sino ang "nasa
kapangyarihan" upang makuha ang ninanais kahit pa nga sa di mabuting
pamamaraan...
sa aking pananaw ay parang nawawalan na ng saysay ang mga
pinaghirapan ng mga mabunying bayani ng ating lahi dahil sa nakikita
kong kasalukuyang kalagayan ng ating bayan.
hindi pa nga pala lubusang malaya ang Pilipinas, hindi pa...
May digmaan sa gitna ng amihan
Ang kalaban ay kahirapan
May digmaan sa gitna ng habagat
Ang tanda’y taong hindi makaangat
Hindi pa nga talaga nakakalaya ang ating bansa dahil ang ating inang
bayan ay patuloy na nakikipagbuno sa problema ng kahirapan, kamangmangan
at marami pang iba... sa palagay ko'y dahil marami sa atin ang di man
lamang naglaan ng oras para bigyang solusyon ang mga suliraning nakita
ng ating mga dakilang bayani -mga walang pakialam sa mga nagaganap sa
bansang naging kanlungan n'ya at ng kanyang mga ninuno- at tila ba
tuluyan nang nilimot ang kanilang ginawa para sa kasarinlan ng ating
lupang sinilangan. Hindi pa nga siguro tuluyang malaya ang mga
Pilipino... bagama't natamo na natin ang kasarinlan ng ating bayang
PILIPINAS mula sa mga dayuhang mananakop, hindi naman lumaya ang isipan
ng maraming mamamayang Pilipino sa kaisipang kolonyal na ating nakuha at
patuloy pang nakukuha mula sa mga dayuhang mananakop kaya naman halos
hindi na namulatan at pinagtuunan ng pansin ng maraming kabataan ang
maganda at mayamang kultura ng ating inang bayan bago pa tayo alipinin
ng mga banyaga... tila nawala na ang damdaming makabayan ng maraming mga
Pilipino, marami tayong kababayan na ikinakahiya ang kanilang
pagka-PILIPINO, na handang kalimutan, itatwa at ikahiya ang kanilang
bayang sinilangan maging ang kanilang kulay, para lamang magkaroon ng
ibang nasyonalidad. Hindi pa tuluyang nakakamit ng mga Pilipino ang
kalayaan... dahil binabalewala ng marami sa atin ang ating mga kakayahan
at angking talento, masyadong mababa ang tingin natin sa ating mga
sarili maging sa ating kapwa Pilipino kaya naman imbes na matuwa tayo sa
tagumpay ng iba ay pilit nating hinihila pababa ang ating kapwa,dahil
dito, maraming taong hindi makaangat sa gitna ng habagat at bihag na rin
tayo ng kaisipang dito sa atin, kapag mayaman at edukado lalo pang
yayaman at kapag mahirap at di nakapag-aral ay habambuhay nang mangmang,
kaya naman maraming Pilipino ang Alipin pa rin...Naalala ko tuloy ang
tinuran ni Dr. Rizal kay "Aanhin pa ang kalayaan kung ang inaaalipin
ngayon ay siya rin namang mang-aalipin balang-araw.", Kapag nga naman
ang isang promding Juan dela Cruz ay pumunta dito sa kabayanan upang
maghanap ng trabaho hindi ba't kapwa din ang kanyang nagiging amo, at
maraming mayaman na dahil nga KATULONG ang pinasukang trabaho ng promdi
ay inaalila, binubugbog, itinuturing na hayop imbes ituring na
kasambahay o kapamilya ang mga naninilbihan sa kanila... Kapag naman
nagsawa na sa kahirapan dito sa atin ay nangingibang bansa si Juan dela
Cruz ay nagtatrabaho para sa mga banyaga upang may maitustos sa
pangangailangan ng pamilya, at kapag ang mga banyaga naman ang nakaisip
pumunta dito sa atin imbes na ang kaawa-awang si Juan dela Cruz ang
maging "Boss" siya ay madalas na nagiging alipinin at sunud-sunuran pa
rin sa mga dayuhan... Lagi na lang tayong alipin, nakakasawa na! Mabuti
na lamang at kahit papaano'y mayroon pa ring mga among may mabuting
kalooban.Dahil na rin sa mga pangsariling interes ng mga
makapangyarihang dayuhan na itinuring na mababang uri ang hindi nila
kakulay... tayo'y kanilang napapaniwala na sila ang ating dapat tularan
upang maging katanggaptanggap tayo sa buong mundo at masabing
sibilisado, kaya naman kay daming nagpapaputi at nagpaparetoke ng kung
anu-ano na para bang hindi na nakuntento sa kung ano ang ipinagkaloob sa
kanila ng dakilang lumikha... dahil dito'y tila dahan-dahan...
paunti-unting nawawala ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Itutuloy...
Soli DEO Gloria
sgd.kgramos
No comments:
Post a Comment