paki-click po yung link: http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=Kjm5Mv7z_zA
Ilang araw na akong nabubugnot at walang ibang naging kaibigan kundi
ang aking netbook at siyempre pa walang iba kundi ang internet...
PAMPALIPAS ORAS, panandaliang PAMPALIMOT sa iba't ibang aspeto ng buhay
na mayroong hindi pa nasusulusyonang MGA SULIRANIN, pansamantalang sa
galit na nararamdaman ng aking kalooban, laban sa mga nakababalisang
gawi ng ilan nating mga kasama na tila lihis at totoong nakababastos sa
Doktrina, Saligang Batas at mismong sumasaksak din sa likod ng ating
Kgg. CCIC, ay nakapagdulot sa akin ng ALALAHANIN dahil minsan pa'y nagkaroon na naman ng balakid sa landas na-sa kasalukuyan,
dahil sa awa't tulong ng ating Dakilang Lumikha at sa matiyagang
pagtuturo at pagtutuwid ng ating Kgg. na tagapagtaguyod upang tayo'y
maging mabuting tagasunod at sundalo ng Diyos, na tunay na NAGKUKRUSADA-
ang daang ito na sa pamamagitan man ng ibang pamamaraan ay NAKAYANANG
TAHAKIN at PAGTAGUMPAYAN ng ilan nating mga magulang at kapatid noong
una; ngayon, ang daang ito tungo sa katuparan ng ating dakilang layunin
ng ating samahan ay NASIMULAN nang TAHAKIN sa pamamagitan ng doktrina na
nagsisilbing gabay natin sa ating pang-araw-araw na paglalakbay at
siyang ilawan natin sa tuwing sasapit ang dilim at haharap tayo sa mga
pagsubok ng buhay... Pinipilit kong magliwaliw at magsaya,
dahil alam kong dahan-dahan ay kinakain na ng panghihinayang at
matinding panlulumo ang aking kalooban.
Ilang gabi na rin akong walang tulog, suwerte na nga lang ako nung
minsan at nakatulog ako ng maayos at saktong walong oras... pagkatapos,
halos apat na oras na lang ang tulog ko sa isang araw dahil bigla akong
nagigising sa hatinggabi/madaling araw, at nahihirapan akong bawiin yung
antok na nawala; hanggang sa dumating yung panahong kahit anong pilit
kong matulog ay walang nangyayari, at mapansin kong matagal na pala
akong nakatitig sa kisame... sa kawalan... sa gitna ng madilim na gabi.
Alam kong gising ang diwa ko, may iniisip ako at pilit kong iniintindi
kung ano ang nasa likod ng panaginip na iyon, hanggang sa umusbong sa aking puso ang matinding pagkatakot, ang pag-aalala tungkol sa aninong nakita ko sa panaginip na iyon.
Pakiramdam ko'y natuyo na ng tuluyan ang aking utak, masyado na yatang
napagod dahil sa pag-iisip ng at pag-aalala sa mga bagay na tila hindi
abot ng aking kaalaman.
Oo nga pala, nakalimutan kong banggitin sa inyo na nandito po ako
ngayon sa ating bahay paaralan, kasama ang ilan sa aking mga kapwa
kabataan... ang KISLAP (Kabataang Iisa Sa Layunin At Pagkilos), upang
mag-ensayo para sa dula at mga awiting aming ihahandog sa kaarawan ng
ating Gat. Dr. Jose Rizal... pagkatapos ng ilang oras ng dibdibang
(dibdiban nga ba?) pag-aaral ng kanta at kung ilang ulit na pag-awit
upang makuha ang 2nd voice at blending na babagay sa kanta, habang
nagpapahinga ay nakaramdam na naman ako ng pagkalumbay, alam kong
kailangang-kailangan ko ng inspirasyon subalit hindi ko alam kung saan
ko ito hahanapin at makukuha, labis na akong naguluhan kaya naisipan
kong MATULOG na lang. Hindi ko na alam kung ano pa ang sumunod na
nangyari, hindi ko na rin namalayan kung papaano nagsimula... Sino bang
nagsabing ang paggugol ng oras sa pag-iinternet ay aksaya lamang ng
panahon, sa tingin ko'y hindi naman siguro palagi lalo na't kung
makakatuklas ka ng bagay na may halaga at karapat-dapat namang ibahagi.
Pagdaan ng maraming oras, basta napansin ko na lang lumipas ang 3 oras
na wala akong ibang naibigang gawin kundi ang maghanap ng mga artikulo,
video at awiting tungkol kay Dr. Rizal, mula sa mga interviews kay
Ambeth Ocampo, sa blog na "INDIO:BRAVO" ng isang
Pilipinong manunulat sa kasaysayan, ang "Si Rizal at ang Pambansang
Kalayaan" sa pluma at papel ni Rogelio OrdoƱez hanggang sa video ng
"PLUMA" na ibinahagi ng ating Kasamang kgg. Jose Manlapas sa munting
ilawan, hanggang sa makita ko ang Music Video ng "Kaninong Anino" na
ginawa ni Arnold Arre at isinulat ni Gang Badoy para sa Album na Rock
Ed, Rock Rizal, ang bida'y walang iba kundi ang ating Pambansang Bayani,
hindi bilang isang manlalakbay na hinubog ng maraming karanasan, o
martir na lumaban para sa kalayaan ng ating inang bayan, o magaling na
manunulat at kagalanggalang na doktor, hindi rin bilang alagad ng sining
o bilang isang "ladies' man"... Kundi bilang pangkaraniwang Pilipino na
malayang naglilibot sa isang madilim, at mapanglaw na sulok ng mundo at pilit na tumatanaw sa BAKAS NG KAHAPON... sa ANINO NG ISANG SIYUDAD;
sa kanyang paglalakad bilang isang simpleng mamamayan, tulad ng marami
sa atin na saksi at sumasaksi sa pagkawasak ng ating bayan ay makikita
ang mga nalabing bahagi ng nasirang siyudad ng MAYNILA na kahit tila
dinaanan ng matinding delubyo at dumanas ng kalunos-lunos na trahedya ay
nakapagtatakang puro bantayog na lamang ng mga dakilang bayani,
bagama't bahagyang nasira ay nananatili pa ring nakatayo, ang tanging
natira, marahil ay ipinapaalala na bagama't marami na ang lumimot sa
kanila, ay mananatili namang buhay ang mga pamanang kanilang iniwan...
Ipinahihiwatig ng Video na ito kung ano kaya ang mararamdaman ng ating
pambansang bayani kapag nakita niya ang kinahinatnan ng Inang Bayang
lubos niyang minahal.
Ano nga kaya ang mangyayari? Paano kaya kung nabuhay nga si Dr. Rizal
at ang iba pang mabunying bayaning nag-alay ng buhay para sa kanilang
Lupang Tinubuan? Ay! Hindi ko rin maiwasang isipin kung anong reaksyon
nga ba ang guguhit sa kanilang mga mukha sa kasalukuyang kalagayan ng
bayang kanilang tinatangi, na matapos na magkamit nga ng kalayaan mula
sa mga mananakop na Kastila may 114 taon na ang nakalilipas, ay muli na
namang humaharap sa mga suliraning panlipunan na sa hindi ko na malamang
pagkakataon, ay paulit-ulit nang dinanas at kinaharap ng ating mga
katutubong ninuno, at maging ng mga nakaraang henerasyon... tila baga
hindi naman tayo ganap na nakalaya mula sa kaalipinan... Naisipan ko
tuloy sumulat tutal ay napapanahon naman siguro at tsaka nasa mood akong
magsulat, Sabi ko sa sarili ko pag natapos ko ito ipopost ko sa MUNTING ILAWAN.
(Bago po ako magpatuloy nais ko pong pag-ukulan niyo ng panahong tingnan ang video na ito: http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=Kjm5Mv7z_zA
kung hindi n'yo pa po nagagawa yung pakiusap ko sa itaas at pakinggang
mabuti ang kantang kasama nito, upang lubusan po ninyong masundan at
maunawaan ang aking mga sinasabi.)
Hayaan po ninyong ipagpatuloy ko ang pagbabahagi sa inyo ng isang
journal/blog entry na aking ginawa simula noong June 12, taong
kasalukuyan; bilang pakikiisa sa ika-114 taong pagdiriwang ng araw ng
kalayaan, pagbibigay pugay sa mga bayaning tunay na lumaban para makamit
ito at paggunita sa ika-151 kaarawan ng ating Dakilang Bayaning Gat.
Dr. Jose Rizal, na siyang gumising sa kamalayan at diwang makabansa ng
marami nating mabubunyi at magigiting na kababayan...
sgd.kgramos
No comments:
Post a Comment