Hindi ko mawari kung ano itong nararamdamang kaba
Hindi ko rin alam kung ngayon ba'y araw na o gabi pa?
Wala kasi akong makita
Dahil sa piring na tumatakip sa aking mga mata.
Sinubukan kong kumilos pero bigo ako
Sinubukan kong sumigaw subalit ni walang tinig na lumabas mula sa labi ko
Hirap na hirap na ako sa kalagayan ko
Hindi na ako sigurado kung makakayanan ko pa ito...
May narinig akong mga kaluskos
Na sa damdamin ko'y lalong nagdulot ng nerbyos
Yun ay dahil hindi ko maunawaang lubos
Kung bakit may humahakbang palapit kung saan ako nakatulos
Inaamin kong ako'y nagulat
Noong aking maramdaman
Ang nanlalamig mong mga kamay
Na nagtatanggal ng mga taling sa akin ay bumibihag
Tibok ng aking puso'y lalo lamang bumilis
Pagkat pagmulat ng mga mata'y ngiti mo agad aking unang nasilip
Sinabihan mo akong sa iyo'y kumapit
Para maalalayan mo aking pagtayong pilit
Magkahawak ang ating kamay
Sabay nating tinahak
Daan tungo sa isang malaking pintuan
Na hindi pala maayos ang pagkakasara, mabuti naman.
"Ligtas na tayo"
Walang anu-ano'y wika mo,
At tsaka ka pumihit para tingnan ako...
Simpleng salita, simpleng gawi, pero kinilig ako, O giliw ko.
Subalit hindi pa tapos ang lahat,
Dahil parang papalapit ang sa atin ay bumihag
Kailangan nating magkubli sa lugar na mas ligtas
Bago pa man nila tayo matuklasan...
Kinabig mo ako palapit sayo at niyakap
Sabay bulong ng "wag kang mag-alala, di kita pababayaan...
Ngayong gabi kailangan mong malaman
Na ikaw, ikaw lang ang aking mahal"
Hindi ko alam kung bakit,
kahit pa anong saklap ang sinapit,
Ay panatag at kuntento akong nakakapit
At nakakulong sa iyong mga bisig
KAHIT NGAYON LANG...
No comments:
Post a Comment