Limampu't pitong araw... Walong Linggo
O para sa iba'y apatnapu't siyam po?
Siyempre kung walang Linggo
Ah basta! Walong linggo.
![]() |
Weeksary pa moooore! |
Walong Linggo... Pati Linggo...
Na pala tayong nagkakaganito
Walong Linggo na simula nung mabago ang ikot ng mundo
Nang dahil sa pagtitinginang nagsimula sa biro-biro
![]() |
Nanunuod pala si crush :") |
Pagtitinginang nagsimula sa biruan at pambibisto
Na di kalauna'y tila ba naging KalyeSeryoso
Hanggang sa kumalat na nga epidemyang ito
Sa araw-araw na pagpapakilig halos lahat na yata'y apekTODO
![]() |
Effort pa more ni King Bae, totohanan na nga ba ito? |
![]() |
At aminin! kinilig pa more ka din :D |
Lahat na nga yata'y apektado
Pati nga Pulitiko'y di mapigilang umusyoso
Pakiusap ko lamang kahit na usong-uso,
Wag na sanang gamitin sa pansariling interes, please lang po.
![]() |
Who does *Pabebe Wave* better? Part 1 |
![]() |
Who does *Pabebe Wave* better? Part 2 |
![]() |
Who does *Pabebe Wave* better? Part 3 |
![]() |
Di na lang ako mag-kocomment :| Wag nang lagyan ng matinong caption ito. |
Please lang po, madalas mabanggit si "Tamang Panahon"dito
Pakiabisuhan kami kung kailan talaga ang dating mo
Nang kami'y maging handa sa tuluyang pagtatagpo
Ng dalawang pusong may pag-iibigang inaasam ng karamihan na magkatotoo
![]() |
Maging mga EB hosts ay naniniwalang sa forever na nga ang tuloy nito, sa tamang panahon |
![]() |
Sa panahon ngayon, sa lipunang ating ginagalawan, bibihira ka na lang makatagpo ng mga tao, o makahanap ng palabas na magtuturo ng kahalagahan ng pag-ibig at kabutihang asal. |
Dalawang pusong may pag-iibigang "langit ka at lupa ako"(?)
Doon nga unang umikot ang kuwento,
Samahan mo na rin ang mga leksyon na tiyak magpapaalala sa'yong todo
Ng mga ugali't asal na marahil ay matagal nang nabaon sa limot, aminin ninyo!
![]() |
Eat 3ula6a... halos apat na dekada na :) |
![]() |
Landslide ratings, at all-time high araw-araw :) |
Aminin ninyo, Eat Bulaga ay institusyon na ngang totoo.
36 years nang masarap na kasa-kasalo
Sa pananghalian ng bawat pamilyang Pilipino
Ika nga nila: "Hangga't may bata at mag-s'yota, meron nito."
Minsan ay napapatanong din ako, ano nga ba ang meron ito?
At kahit na tapatan pa ng kung anu-ano
Ay bakit ba di pa rin mapahinto-hinto?
Totoo nga kayang may pormula itong ginto?
Pormulang ginto, aksidente lang daw ang pagkakatuklas dito
Pero taliwas iyon sa aking pananaw, ang aking opinyon ay ganito:
Pinagpapalang marahil sina TitoSen, Bossing at Master na Henyo,
Maging ang lahat ng bumubuo ng programa dahil sa kabutihang taglay ng kanilang mga puso.
At dahil nga sa kabutihang taglay ng kanilang mga puso
Kahit pa nga maraming kritiko ay nasisigurado kong magpapatuloy ito
Ngayon kasama na si Meng na maganda at bibong-bibo
at ang Pambansang Bae, Alden na pogi at matipuno
![]() |
Sina Dimple at Simple blessing din sa atin by being good examples |
Ang isa bang programa ay maari ding mailarawang pogi at matipuno?
Sapagkat hindi na ako magtataka kung talagang dadami pang lalo
Mga tumatangkilik sa programang hatid ay tuwa't sayang higit pa sa isang libo...
Kaya't para sa inyo, Eat Bulaga naming mahal, na nakailang estasyon din bago maging Kapuso
Kampai sa tagumpay ng tatlumpu't anim na taon at walong linggo ng loveteam na bago!
Kahanga-hangang Totoo, EB Forever na ito!
![]() |
Cheers para sa tagumpay! |
KEEP CALM & AlDub On!
![]() |
More, more, more saya at kilig *Pabebe Expressions & Gestures" |
sgd. kgramos
(ALDUB CALABARZON)
**Photos CTTO: AlDubNation, GMANews, Ms. Tina Panganiban-Perez, Eat Bulaga,
Alden Richards, Maine Mendoza, Nate Gonzaga, & Allan K. :D
No comments:
Post a Comment